22
sister-fox
By

Desisyon ng DOJ pabor kay Sister Fox, iginagalang ng Malacañang

Nirerespeto ng Malacañang ang naging desisyon ng Department of Justice (DOJ) na isailalim sa review ang kaso sa pagbawi sa visa ni Australian missionary Sister Patricia Fox.

Ito ay matapos pagbigyan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang petition for review ni Fox kaugnay sa visa nito na binawi ng Bureau of Immigration.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na hindi sila makikialam sa naging aksiyon ng DOJ sa kaso ng Australian missionary.

“We respect that resolution by the DOJ secretary,” ang maiksing pahayag ni Roque.

Ayon sa DOJ, hindi sakop ng kapangyarihan ng BI ang mag-forfeit ng visa, kundi dapat ay magkansela lamang.

Matatandaang maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagalit at pinapalayas ang dayuhang madre dahil sa pakikialam umano sa pulitika sa bansa.

Bukod dito ay sumasama din umano si Sister Fox sa mga kilos-protesta gayong mayroong panuntunan ang DOJ na bawal ang mga dayuhan na makilahok sa mga rally sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?