20
sister-fox
By

Desisyon ng BI sa apela ni Sister Fox, magtatagal pa

Aminado si Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi agad-agad madedesisyunan ng kanyang tanggapan ang apela ni Australian missionary sister Patricia Fox kaugnay ng deportation order ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Guevarra, mangangailangan pa ng sapat na panahon ang kanyang tanggapan para pag aralan ang mosyon ng madre na baliktarin ang desisyon ng immigration bureau.

Hanggang ngayong araw na lang ang bisa ng missionary visa ng 72 anyos na australian missionary.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, wala pang desisyon ang ang kawanihan sa hiling ni Sister Fox na palawigin ang kanyang missionary visa.

Pero maari naman anyang maghain ang madre ng apela sa BI para mai-downgrade ito sa tourist visa na syang maggagarantiya na maari pa syang manatili sa Pilipinas ng hanggang sa 59 araw simula bukas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?