8

By

Desiree Linden ng US at Yuki Kawauchi ng Japan, wagi sa Boston Marathon

Sharing is caring!

Ibinulsa ng Amerikanang si Desiree Linden ang titulo sa women’s race ng katatapos na Boston Marathon Lunes sa US.

Si Linden ang unang Amerikana na nakakuha ng titulo sa prestiyosong marathon mula noong 1985.

Tinapos ng two-time Olympian at 2011 Boston runner-up ang karera sa loob ng 2 oras, 39 minuto at 54 na segundo, mahigit na apat na minuto na mas mabilis sa pumangalawa na si Sarah Sellers.

Samantala, naungusan naman ni Yuki Kawauchi ang defending champion na si Geoffrey Kirui para sungkitin ang titulo sa men’s race sa bilis na 2:15:58, ito ang una para sa Japan sa Boston Marathon mula noong 1987.

Naging mahirap ang daan para sa 30 libong sumali sa 26.2 milyang karera dahil sa malakas na ulan at malakas na hangin na bumayo sa mga ito mula sa umpisa ng takbuhan.

Huling nanalo ang isang Amerikana sa Boston Marathon nang magwagi si Lisa Larsen Weidenbach noong 1985.

Samantala ang hometown favorite at four-time Olympian na si Shalane Flanagan, ang kasalukuyang kampeon ng New York City Marathon ay natapos ang karera sa ika-anim na puwesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?