90

Oct 7, 2021 @ 16:34
By

Desiree, Boom may baby na!

Isinilang na ni actress Desiree del Valle ang unang baby nila ng asawang si actor Boom Labrusca.

Sa Instagram, nag-post ang aktres at sinabing isinilang niya si baby Alexander Sebastian Dunham Labrusca noong October 4 sa St. Luke’s Medical Center.

Makikita sa isang larawan na naluha si Desiree nang itabi sa kanya ang bagong silang na sanggol, habang hawak-kamay naman siya ni Boom sa loob ng delivery room.

“As we welcome our bundle of Joy! Alexander Sebastian Dunham Labrusca. Born on Oct 4, 2021 at 2:14pm. Thank you Lord for our son,” caption ng aktres.


Pinasalamatan naman ni Boom ang asawa sa pagiging strong at amazing wife.

“To my wife, for carrying our baby, for being strong and for being an amazing wife.. Good job mommy. Team work makes the dream work. I Love you so much.”

Noong May inanunsyo ni Desiree ang pagbubuntis sa edad na 39.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?