49

Aug 27, 2019 @ 22:01
By

Designer ni Michelle Obama, sumakabilang-buhay

Yumao na ang Cuban American fashion designer na nagdisenyo ng sinuot ni Michelle Obama sa inaguaration ng dating US President Barack Obama.

Breast cancer ang naging dahilan ng pagkamatay ni Isabel Toledo, na nakilala dahil kay Obama dahil sa distinctive wool at lace outfit na pinalakpakan ng madla.

Kasunod nito ay nagpagawa din ang mga aktres na sina Demi Moore, Debi Mazar at Debra Messing kay Toledo.

Si Toledo ay mula sa Cuba, lumipat sa New York ngunit hindi naka-graduate sa fashion college.

Simula pa lang noong 1985 ay nalabas na ni Toledo ang kanyang unang collection, naging creative director din para sa Anne Klein mula 2006 hanggang 2007.

Si Toledo ay yumao sa edad na 59.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?