bylines-milky-rigonan
By

Designated Survivor Pinas style?

Sharing is caring!

Adik ka rin ba sa Netflix? Eh di familiar ka sa Designated Survivor?

Tapos na ang season 2 nito na isang American drama series at bida si Kiefer Sutherland sa papel na Tom Kirkman.

istorya ito ng isang lower-level Cabinet member na napiling maging Designated Survivor.

Naging biglang Presidente ng Amerika si Kirkman nang mamatay ang U.S. President at karamihan sa kanyang mga Cabinet members nang may mangyaring malakas na pagsabog habang ongoing ang State of the Union address.

Tanong, eh ano ang kinalaman ng Designated Survivor sa pulitika ng Pilipinas?

Sa isang interview, sinabi ni Senator Panfilo Lacson na panahon na para i-consider ng Pilipinas na magkaroon din ng Philippine version ng Designated Survivor.

Ayon kay Lacson, maraming mga pagkakataon sa ating bansa na magkakasama sa mga okasyon ang Pangulo, mga miembro ng gabinete at mga lider ng Kongreso.

For example, sa State of the Nation Address, taon-taon nagsasama-sama ang President, Vice President, Cabinet members, mga opisyal ng AFP, PNP, mga local government officials at miembro ng diplomatic corps.

May kasabihan nga, walang pinipiling lugar , okasyon at oras ang terorismo.

Sabi ni Lacson, sa isinusulong na charter change, baka ipasok ang probisyon ng Designated Survivor.
Panahon na anya na pag-aralan ang konsepto kahit hindi sigurado si Lacson kung totoong iniimplement ito sa America.

Sa pagbubukas ng sesyon sa July 23, kasama ang cha-cha sa mga priority bill sa Senado at Kamara.

Problema lang kung makakakuha ng majority support ang Philippine version ng Designated Survivor lalo na’t hindi ito elected kung lulusot ang panukala sa ilalim ng isinusulong na cha-cha.

Iba kasi ang pulitika sa Pinas. Kung yun nanalong Presidente ng binoto ng milyong-milyong Pinoy, binabatikos at kinukuwestiyon ang kakayahan, ano pa kaya ang isang “standby” lang?

Ready na ba ang Pinas sa version natin ng “Designated Survivor”?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?