23

Desiderio susundan ang yapak ni PJ Simon

Sharing is caring!

Kung mayroon mang iniidolo si Paul Desiderio sa PBA, ito ay walang iba kundi ang isa sa pinakamatinik na scorer sa liga na si PJ Simon.

Saad ni Desiderio, isa nang icon sa University of the Philippines matapos igiya ang koponan sa finals matapos ang 32 taon, walang dalawang isip na sinabing ang Magnolia guard ang kanyang tinitingala sa pro ranks.

Ang kanyang hiling, magkaroon ng tsansang maging kakampi, o makakiskisan ang nasabing PBA veteran na iniidolo pa ni Desiderio noong high school pa lamang siya.

Aakyat na sa PBA si Desiderio, na matapos maging bahagi ng UP squad na nagtamo ng 0-14 win-loss season, ay gumawa ng kasaysayan sa koponan sa kanilang pagsampa sa finals.

Kanyang makakasama sa talent-laden draft sina Bobby Ray Parks Jr., Robert Bolick at CJ Perez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?