53

By

Desiderio nagliyab sa UP, hinagupit ang FEU

Pinabagsak ng UP Fighting Maroons ang FEU Tamaraws, 95-82, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Smart-Araneta Coliseum, Miyerkoles, Oktubre 24.

Kontrolado ng UP ang laban, angat ng pito, 37-30 sa pagtatapos ng unang canto.

Pumalag ang FEU sa second quarter at binaba pa nila ang kalamangan ng Maroons sa dalawa, 39-37, ngunit masyadong mainit ang kamay ng UP at hindi na sila natinag pa hanggang sa final buzzer.

“This is a big win for us, not only as far as standings are concerned, but us fighting through the middle and holding off FEU’s run, because despite missing 2 big men we all know what they are capable of,” sabi ni UP head coach Bo Perasol.

Pumutok ng 31 points si Paul Desiderio mula sa 7-of-9 shooting sa three-point line.

Muntikan na mag-triple-double muli si Juan Gomez De Liaño sa kanyang 19 points, 10 rebounds at nine assists, maging si Bright Akhuetie na may 20 points, 11 rebounds at seven assists.

Umakyat sa 5-5 ang standings ng UP matapos ang back-to-back wins.

Samantala, nagtala ng 14 points at five rebounds si Brandey Bienes habang nag-ambag ng 13 points at eight rebounds si Kevin Eboña.

Baba sa 5-5 ang baraha ng FEU dahil sa tatlong sunod na pagkabigo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?