27

Jun 16, 2020 @ 14:06

Desiderio may bagong gatasan

Isa si Paul Desiderio sa mga PBA player na secured na ang future sakaling matapos ang kanyang playing career.

Matapos mabigyan ng franchise ng Chooks-To-Go nang mapaabot ang UP Fighting Maroons sa UAAP Season 82 Finals sa nakalipas na taon, may bago na namang palalaguing negosyo ang Blackwater Elite guard.

Kasama ang kanyang fiance na si Agatha Uvero, nagbukas na ang kanilang milk tea shop na Kurimi Milk tea bar.

Para sa mga nais matikman ang masarap na inumin nina Desiderio at Uvero, magsadya lang sa Kurimi Milk Tea sa kahabaan ng Katipunan Avenue sa Quezon City. (Raymark Patriarca)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?