68
Desiderio, Ababou pautakan
By ,

Desiderio, Ababou pautakan

Pinangalanan sina Paul Desiderio at Dylan Ababou bilang coaches ng 2019 Chooks-to-Go NBTC Division 2 All Star Game ngayong Sabado sa Mall of Asia Arena.

Si Desiderio ng Blackwater Elite ng PBA, na naging bahagi rin ng Gilas Pilipinas 23-for-23 cadets pool, ang mangunguna sa Team Passion habang si Ababou ng Pasig Grindhouse ng Pilipinas 3×3, na orihinal din na miyembro ng Smart Gilas ay hahawak sa Team Dedication.

Makakasama ni Desiderio sa Team Passion si Jarlo Ningasca ng Holy Trinity College-General Santos, sina John Bravo at Ken Laquibla ng First City Providential College-Bulacan, John Barba ng Lyceum of the Philippines University-Cavite, Joshua Guiab ng Calayan Educational Foundation, Inc.-Quezon, Paulo Casia ng Narvacan NHS-Candon, Jiam Quiambao ng St. Augustine Institute-Pampanga, Icy Patrocino ng St. Louis Don Bosco-Dumaguete, Vance Caterbas ng Southern Philippines College-Cagayan de Oro, Mark Picardal at Robert Norombaba ng Dolores NHS-Eastern Samar, Ken Pondoc of Zamboanga del Sur NHS-Pagadian, Steven Tono ng Sta. Clarita International School-Iloilo, Justin Ramirez ng Isabela College-Cauayan, at si Tyler Puletua ng AusPinoy-Australia.

Habang babandera naman sa Team Dedication ni Ababou si Lloyd Borbe at Medwin Ariate ng Sto. Domingo NHS-Legazpi, John Paras at Michael Homo ng Perpetual-JONELTA-Laguna, Magnus Ines ng University of Baguio, Junnie Perdido ng St. Mary’s College of Tagum-Davao del Norte, Ralph Bajon ng Sta. Clarita International School-Iloilo, Mctroi Crisostomo ng Holy Trinity College-General Santos, Drexler Villanueva ng Southwestern University-PHINMA, Cholo Anonuevo at Vince Gomez ng Team Italy Europe Proudly Pinoy, Jerric Palma at Kit Aviso-Mramor ng Top Flight Hoops Vancouver, at Reimar Cruz at Tyler Martin ng Camp David New Zealand.

Ang NBTC Division 2 All-Star Game ngayong Sabado alas-12 ng tanghali sa Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?