25

By

Desiderio aakyat na sa PBA

Sharing is caring!

Handa nang sumabak sa pro ranks ang University of the Philippines icon na si Paul Desiderio.

Sa pagtapos ng kanyang karera sa UP matapos ang anim na taon, magpapasa na ng draft application si Desiderio para makaangat na sa PBA sa parating na rookie draft.

“Magfa-file na ako para sa draft,” saad ng graduating guard.

Sa kanyang huling taon sa UP, siya’y kumamada ng 13.7 points, 3.4 assists at 1.3 steals, dagdag pa ang tumatak ng performance niya noong semis game nila kontra sa Adamson para maipasok ang Maroons sa finals makalipas ang 32 taon.

Naging emosyonal din ang UP hero sa kanyang huling laro sa UAAP, kung saan pinasimulan ang catchphrase na ‘Atin ‘to’ dahil sa kanyang pambihirang puso sa paglalaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }