564

Oct 31, 2017 @ 19:49

“Descendants of the Sun” couple, kasal na

Ikinasal na ang “Descendants of the Sun” couple na sina Song Hye-Kyo at Song Joong-Ki sa isang pribadong seremonya nitong Oktubre 31.

Ang South Korean actor na si Song, 32, at aktres na si Song Hye-Kyo, 35, ay kinagiliwan sa Pilipinas sa mga karakter nila bilang captain Lucas Yoo at Maxine Kang sa Koreanovela na “Descendants of the Sun”.

Isinagawa ang kasal sa Yeong Bin Gwan, isang Korean-style banquet annex sa The Shilla Hotel sa Seoul.

Ayon sa The Korea Herald, iba’t ibang personalidad ang dumalo sa naturang okasyon kabilang na si Cha Tae-hyun na sikat ding aktor sa Korea. Isa sa mga pelikula nito ay ang My Sassy Girl.

Matapos ang kasal ay lilipad patungong Europe ang “Song-Song” couple para naman sa kanilang honeymoon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?