43

Derrick Rose, may plano nang maglaro sa Cavs

Sharing is caring!

Bumalik patungong Cleveland si Derrick Rose at may plano na umanong maglarong muli sa Cavaliers matapos umalis sa team at mag-isip kung itutuloy pa ba niya ang career sa NBA dahil sa pagkabagabag sa injuries.

“This has been a very challenging and difficult time for Derrick. We will continue to provide him with support and have patience as he re-joins his teammates and works his way back on to the court,” ani Cavs general manager Koby Altman sa isang pahayag.

Ayon sa ESPN, itutuloy umano ni Rose ang rehabilitation ng kanyang sprained ankle at may plano umanong maglaro sa Cavs.

Umalis sa team si Rose, 29, matapos madiskurahe dahil sa maraming injuries na kinakaharap na nagpalamlam sa kanyang career, at ngayo’y kasalukuyan ngang iniinda ang sakit niya sa bukung-bukong na ugat ng pagkawala niya ng halos buong season sa Cavs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?