87

Dec 1, 2017 @ 8:57

Derrick Rose magre-retiro na?

Injured na naman si Derrick Rose, hindi nakumpleto ang unang buwan ng regular season sa unang taon niya rin sa Cleveland Cavaliers.

Injured, may personal na problema o nawalan na ng gana? Si DRose lang ang makakasagot.

Pero may ulat na pinag-iisipan (contemplating) na raw niya ang future niya sa basketball mula nang ‘magbakasyon’ sa Cavs.

‘Yung ay kung meron pa siyang passion sa laro.

Tinik sa career ni Rose ang injuries. Sa tuhod, sa hita, sa paa.

Pumasok siya sa NBA noong 2008, first overall pick ng hometown niyang Chicago.

Rookie of the Year siya ng taong iyon. Makalipas ang dalawang seasons, sa edad 22 ay naging pinakabatang NBA player na MVP (2011-2012).

Bago ang unang injury noong 2012, nag-average si Rose ng 21 points, 7 assists at naka-tatlong All-Star Games na. Sa unang apat na taon, 33 games lang ­siyang absent.

Inabot siya ng left ACL injury, nakabalik at disente pa rin ang averages na 17 points, 4.5 assists. Pero 230 games ang iniliban niya sa sumunod na anim na taon.

Nalipat si Rose sa New York Knicks noong 2016-17, bago tumawid sa Cleveland ngayong 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?