101

Derrick Rose, hindi na lalaro sa NBA?

Sharing is caring!

Naka-leave si Cleveland Cavaliers guard Derrick Rose kung saan nasa proseso umano ito ng pagtimbang sa kanyang sarili hinggil sa pagpapatuloy ng kanyang career sa NBA.

Matatandaang hindi nakasama si Rose sa huling pitong laro ng Cavaliers dahil sa iniindang maga sa kanyang kaliwang bukung-bukong.

Ayon sa ESPN, sinabi umano ng source sa team na si Rose ay, “tired of being hurt and it’s taking a toll on him mentally.”

Si Rose ay naging 2011 MVP ng liga noong player pa ito ng Chicago Bulls bago ang ilang knee injuries na naging dahilan ng pagkakaroon niya ng problema sa kanyang career.

Ayon naman sa pamunuan ng Cavaliers, ‘excused’ umano ang pagliban ng 29-anyos na si Rose sa kanilang laro.

“Take as long as he wants to take, and we wish him well and we want him back,” ani coach Tyronn Lue.

Unang nawala sa aksiyon si Rose noong Oktubre 20 matapos ang injury rin nito sa bukung-bukong kung saan nagawa pa nitong makabalik upang maglaro sa limang laban ng Cavaliers ngunit binagabag na naman ng sakit noong Nobyembre 7 at hindi na nakapaglaro mula noon.

Nag-average si Rose ng 14.3 points, 2.6 rebounds, at 2.7 turnovers sa pitong laro niya nitong season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?