51

By

Derrick Pumaren nag-resign na sa Warriors

Sharing is caring!

Tatlong seasons hinawakan ni Derrick Pumaren ang University of the East men’s basketball team, pero sa susunod na taon ay hindi na siya ang head coach.

Nag-resign si Pumaren matapos ang 3-11 record ng Red Warriors ngayong Season 80 UAAP basketball tournament.

Hindi man nakapasok sa final four, nag-umento ang laro ng kanyang mga bataan sapul ng hawakan niya ito, nakapagtala ngayong season si Alvin Pasaol ng record 49 points sa laban nila kontra defending champion De La Salle University.

Pagkatapos ng kanilang huling laro sa 14-game elimination round, sinabi na ni Pumaren na gusto niya munang malaman ang plano ng UE sa kanilang basketball program bago pumirna ng extension sa pagko-coach.

“I’m still thinking if I’m going to renew for next year. Depende sa direction ng team,” sabi ni Pumaren matapos silang yumuko sa University of Sto. Tomas sa kanilang huling laro sa season.

Sinabi rin ni Puma­ren na gusto nitong mag recruit ng foreign player para maglaro sa UE.

Samantala, matapos isumite ni Pumaren ang kanyang resignation letter, may ugong na nais ni Pasaol na maglaro sa PBA D-League. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?