derrick-monasterio
By

Derrick nagpainit sa Edsa

Sharing is caring!

Dumagdag sa napakainit na summer season ang pinakabagong billboard ni Derrick Monasterio para sa isang sikat na clothing line. Matatagpuan ito sa EDSA kung saan kita ang six-pack abs ng tinaguriang Primetime Prince ng isang entertainment magazine.

Wala pa mang ilang araw bago itayo ito, maraming fans na ng Kapuso actor ang na-gpost nito at naglagay ng caption ng paghanga para kay Derrick. Lalong kinakiligan ng fans ang Kapuso actor na malakas ang karisma at appeal.

Nako, makakita rin kaya kami ng abs mo sa upcoming GMA series na Inday Will Always Love You, Derrick?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?