206

Jul 20, 2019 @ 15:47
By

Dermatologist bisto sa droga sa Butuan

Dermatologist bisto sa droga sa Butuan

Arestado ang isang doktor matapos mahulihan ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Caraga Police Regional Office 13 sa Pili Drive, Ochoa Avenue, Barangay Lapu-Lapu, Butuan City, Huwebes ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Dr. Guillermo C. Almacen, 47, aesthetic medicine specialist.

Ayon kay PDEA 13 spokesperson Dindo Abellanosa, negatibo sa drug test si Almacen subalit kakasuhan pa rin ito ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 5 (Sale of Dangerous Drugs).

Inaresto si Almacen alas-6:50 ng gabi (July 18) kung saan nakuhanan siya ng 11 na sachet na naglalaman ng shabu at nagkakahalaga ng mahigit P40,000.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa PDEA 13 custodial facility sa Libertad, ng nabanggit na siyudad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?