20

Apr 22, 2021 @ 14:46

Derek: Wala naman kaming problema ni John Lloyd

Binati na ni John Lloyd Cruz si Derek Ramsay sa pagkaka-engage nito kay Ellen Adarna.

Si Ellen ay dating dyowa ni John Lloyd at fiancé ni Derek.

Kuwento ni Derek sa DZRH, nagtagpo sila ni John Lloyd sa kanyang bahay sa Alabang matapos sunduin ng huli ang anak nito kay Ellen na si Elias.

“Wala naman kaming problema ni John Lloyd. Siya rin minsan ang naghahatid dito kay Elias,” tsika ni Ramsay.

Lagi aniyang hinihiram ni Lloydie si Elias, at sa isang beses na sinundo ni Cruz ang anak ay binati na nito ang engagement.

“Maaga siya sumundo. Gising na ako. Nakita ko siya sa labas [then] lumabas naman ako para bumati. Bati din siya. Sabi niya, ‘Congratulations’,” sey pa ng 44-anyos na aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?