187

Dec 20, 2017 @ 19:35
By

Derek tuloy ang paglayas sa showbiz para kay Joanne

Hindi sa pagiging Kapamilya ang maaaring susunod na pag-usapan kay Derek, kundi ang balak niyang pag-quit sa showbiz kapag nagpakasal na sila ng non-showbiz girlfriend niyang si Joanne Villablanca.

Wala pa siyang sinasabi kung kailan ang kasalan, pero sabi ni Derek, napagdesisyunan na raw niyang titigil muna sa pag-aartista kapag may asawa na siya.

“Magba-back down na ako sa showbiz. Kilala niyo ako, pag may ginawa ako, sobrang focus ko. So, pag ginawa ko ‘yun, gusto ko naka-focus na ako sa pamilya ko,” sabi pa ni Derek.

“‘Pag kasal na kasi, ako hindi puwede na diretso na balik ng trabaho. Mag-focus muna para gawing stable ang marriage, tapos tingnan natin kung ano ang mangyari sa showbiz career ko. Kilala ko sarili ko eh, magpo-focus talaga ako sa pamilya ko,” dugtong na saad pa ni Derek.

Ang alam ko ay may mga negosyo naman ang aktor na puwede niyang asikasuhin.

“There’s always new things that you have to achieve, a new things that you have to move forward to. Siyempre, hindi ko tatalikuran nang buong-buo ang showbiz.

“Kung magkaroon ng konting career pa pagkatapos nun, okay,” sabi pa ng bida ng MMFF entry na ‘All of You’.

Suportado raw ito ng future wife niya.

“Si Joanne is very supportive of whatever it is I want to do. Hindi niya ako pini-pressure.

“Hindi niya ako pinipigilan if ever ikasal kami na kailangan ko na mag-quit sa showbiz. Wala siyang ganu’n.”

At least happy naman daw siya sa ‘All of You’ na sabi nga raw ni Joanne, ito na raw ang isa sa pinakamagandang pelikulang nagawa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?