22

Mar 5, 2021 @ 14:39

Derek sa breakup niya kay Andrea Torres: No hate, no regrets

Wala umanong pagsisi si Derek Ramsay sa naging kahinatnan ng relasyon nila noon ni Andrea Torres. Aniya, mutual decision naman ang paghihiwalay nila.

“We have no hate towards one another. I don’t think so. I don’t think she hates me and I definitely don’t hate her and her family,” wika ni Ramsay sa panayam sa kanya ni Pops Fernandez sa isang vlog.

Anang aktor, may tamang panahon para magkakaroon sila ng closure ni Torres.

“I think that will come with time but definitely no hate, no regrets,” tugon niya kay Fernandez nang tanungin siya nito kung nakapag-usap na ba sila nang masinsinan matapos ng kanilang paghihiwalay.

Kasalukuyang in a relationship ngayon ang 44-anyos na aktor kay Ellen Adarna.

Nito lamang Sabado,Pebrero 27 nang kumpirmahan niya na may relasyon na sila ng 32-anyos na aktres.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/derek-ramsay-ellen-adarna-opisyal-nang-magjowa/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?