1,998

Jan 6, 2022 @ 19:08
By

Derek Ramsay umaapaw testosterone, Ellen happy wife!

Happy wife si Ellen Adarna kay Derek Ramsay.

Base ito sa naging sagot ni Ellen sa ilang tanong ng mga fan.

Sa Instagram stories niya, kabilang sa sinagot ni Ellen kung kumusta si Derek bilang mister?

Sabi ni Ellen, “sweet, caring, funny, entertaining, driven, talkative and super hyper” daw ang aktor.

Tinawag din niya si Derek na may “testosterone overload” at “annoying person she can’t live without”.

Pinuri rin niya ang asawa sa talent nito sa pagmamasahe.

“Pwede ng chiro (chiropractor) and masahista,” aniya.

Kaya naman “marriage life is beautiful” para kay Ellen.

Sa susunod na taon daw, balak bumuo ng dyunakis nina Ellen at Derek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?