43

Feb 27, 2021 @ 11:25

Derek Ramsay, Ellen Adarna opisyal nang magjowa

“May relasyon kami, oo”- ito ang tugon ni Derek Ramsay nang tanungin kung may relasyon ba sila ni Ellen Adarna.

Sa panayam kahapon ng PEP.ph sa bahay mismo ng aktor sa Ayala Alabang, Muntinlupa, naispatang magkasama ang dalawa.

Paglilinaw ni Ramsay, hindi si Adarna ang nanligaw sa kanilang dalawa.

“No, no, walang ganun. Ako lagi ang nag-aaya. Hindi siya ganun,” wika niya.

Aniya, nagsimula ang lahat sa nakaraang dinner party sa bahay niya noong Enero.

“[T]ama ka, may spark talaga. Sobrang laking spark,” anang 44-anyos na aktor.

“We just really are enjoying each other’s company. Sobra,” dagdag pa niya.

Ani Ramsay, isang buwan na silang may relasyon ng 32-anyos na aktres.

“Well, di ba, sabi niya [Ellen], one month, feels like one year.”

Sambit niya, may mga tampuhan na rin sila ng bagong nobya kahit isang buwan pa lamang sila.

“Sa isang month, meron na kaming tawanan. Meron na kaming tampuhan… lahat meron na.”

Magugunitang naging matunog ang dalawa matapos silang makuhanan ng video ni Ruffa Gutierrez na tila nagkakaroon ng good time sa naturang dinner party.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?