19

Sep 19, 2021 @ 19:28
By

Derek namanhikan na sa pamilya ni Ellen

Mukhang nalalapit na ang pagiisang-dibdib nina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Ito ay kaugnay ng isang IG post ni Derek kung saan binanggit niya na namanhikan na siya sa pamilya ng kasintahan.

“Ellen, you have a beautiful family. Mamanhikan is such a beautiful Filipino tradition and I’m so happy we were able to get our families together before our big day,” saad sa caption ng post ni Derek.

Makikita rin sa kanyang pinost na larawan ang pakikisama niya sa magulang at iba pang miyembro ng pamilya ni Ellen.

Ayon pa sa isang ulat, kasama ni Derek sa pamamanhikan ang kanyang mga magulang.

Engaged na ang dalawa mula pa noong Marso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?