62

Dec 8, 2017 @ 12:59
By

Derek nagpagamot ng mahihirap sa birthday niya

Ika-41st birthday ni Derek Ramsay last December 7. At sa panahon ngayon, parang mulat na talaga ang mga mata, isip, at puso ng mga artista natin sa sitwasyon sa paligid.

Hindi na nga uso ang mga bonggang birthday party na nakasanayan sa showbiz noon. Dati-rati, ang mga balita tungkol sa napakasayang birthday party ng artista ang madalas mabasa sa mga diyaryo, at kung ano-anong eksena ang naganap, kung sino-sino ang nag-attend.

Pero, iba na nga ngayon. Habang tumatagal, habang tumatanda, ang maging makabuluhan ang birthday ng mga artista ang primary na layunin nila.

Tulad nga nitong birthday ni Derek, na sa halip na gumastos sa pagkain at alak, ang makatulong sa mga kababayan na may karamdaman ang inuna niya.

“What an amazing day today. One of the most memorable birthdays I’ve ever had. I’ve never seen so many smiles in my life. It feels so good knowing that over 300 patients were given much needed care.

“Thank you to all the doctors, volunteers and staff who helped out today. Tnx to my parents for supporting me all the time with projects like this. Tnx to everyone who bought my book. The proceeds helped this medical mission tremendously,” sabi ni Derek. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?