36

By

Derek magku-quit na sa showbiz pag kinasal

Sharing is caring!

Malulungkot ang mga fans, friends sa industry ni Derek Ramsay kapag nagpakasal ito at magkaroon ng sariling pamilya.

Sa ikalawang pagkakataon, sinabi ng hunk actor na magku-quit na siya sa showbiz kapag nagsimula na ang buhay niya bilang isang asawa at ama sa kanyang sariling family.

Sinabi uli ni Derek ang tungkol dito sa group interview ng media sa kanya pagkatapos ng presscon proper sa lalabas na MMFF2017 movie entry nila ni Jennylyn Mercado ang “All of You”, directed by Dan Villegas.

Ayon kay Derek gusto niyang bigyan nang mas maraming oras at panahon ang kanyang pamilya kaya magku-quit siya sa showbiz.

Nag-dialogue na nang ganito si Derek sa presscon niya noon sa TV5 para sa seryeng ginawa at dinirehe ni Brillante Mendoza.

Sey niya, kung magta-trabaho siya sa showbiz posibleng sa likod na lang ng kamera o di kaya ay lalabas na ang siya paminsan minsan sa pelikula.

Malamang na sa sports arena na lang siya umikot bilang consultant ng isang sports network, pero hindi na showbiz.

Sa presscon may kakaibang glow sa mata nya si Derek na naiisip na buhay kapiling ang babaeng gusto niyang pakasalan, ang kasintahang si Joanne Villablancs.

Pahayag niya, iniwan niya ang Frisbee dahil mas gusto niyang laging kasama ang girlfriend. Inamin nyang nagli-live in na sila nito at nais niya palagi na paggising niya si Joanne ang nakikita niya.

Pag hindi raw niya nakikita sa tabi ang kasintahan paggising, hinahanap raw niya ito.

May kakaibang glow sa kanyang mga mata si Derek kapag nababanggit ang pangalan ni Joanne at ang naiisip niyang magiging buhay nila pag naging mag-asawa na sila.

No wonder, kung bakit napagplanuhan na ni Derek ang talikuran ang showbiz kapag nagpakasal na ito.

Sabi naman ni Derek, baka sa likod ng kamera siya magtrabaho bilang consultant sa isang sports channel o kaya maging sports host o anchor.

Kung gagawa raw siya nang pelikula hindi na ito kasingdalas nang gaya nang dati,.

Sa laki nang kinita ni Derek sa paga-artista, puwede na siyang mabuhay nang marangya kahit wala na siya sa showbiz. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?