126

Dec 13, 2017 @ 13:46
By

Derek, kumpleto ang Pasko sa bonding nila ng anak

Tatlo ang dahilan ng pagiging kumpleto ng Pasko ngayon ni Derek Ramsay. Una, kalahok sa MMFF 2017 ang movie nila ni Jennylyn Mercado na “All Of You” sa direksyon ni Dan Villegas.

Ang pangalawa, ay ang pagkakaroon niya ng isang kasintahang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon at suporta. Ito ay si Joanne Villablanca.

Pangatlo, makaka-bonding niya uli ang kanyang anak na si Austin na galing sa ibang bansa, sa poder ng kanyang mommy.

Nakaposte sa Instagram wall ni Derek ang selfie photo nilang dalawa ni Austin sa loob ng sasakyan.

@ramsayderek07, “Yeah boy he’s back! This trip is going to be (in Austin’s terms). LiT #fatherandson.”

Hindi nagbigay ng iba pang detalye o impormasyon si Derek sa pagkikita uli nila ng anak at kung kailan ito dumating.

Parang importante kay Derek ang mag-catch up sila ni Austin sa isa’t isa gaya ng matagal na niyang pinapangarap at idinadasal.

Ilan sa mga followings ni Derek sa Instagram ang nakapansin ng pagbibinata na ng kanyang anak.

At base sa larawan, guwapo ang bata na hindi naman dapat pagtakhan dahil maganda rin genes ng ina ni Austin at si Derek ay may foreign blood din.

Nang makausap namin si Derek sa presscon ng “All of You” ay sinabi nitong isa sa mga wish niya ay makasama ngayong Pasko ang kanyang anak na siya namang natupad.

Anyways, siguradong hindi papalampasin ni Derek ang pagkakataong bitbitin ang kanyang anak sa kanyang resthouse sa Palawan. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?