244
derek
May 25, 2018 @ 22:05

Derek kinabubuwisitan ng mga bading

Natuwa naman ako sa mga taga-TFC (The Filipino Channel). Nang mabalitaan kasi nila na papunta ako sa Milan, Italy, kaagad silang nag-coordinate sa akin para imbitahan ako sa screening bukas ng pelikulang Kasal.

Kasama kasi ang Milan sa international screenings ng pelikulang pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Paulo Avelino at Derek Ramsay.

Bale sa malapit lang sa Doumo Cathedral ang pagpapalabasan ng Kasal at may 10:00 A.M. at 12:30 P.M. screenings sila.

Inaasahang dudumugin ng Filipino fans ang two screenings na ito ng Kasal sa nasabing lugar.

Samantala, controversial pa rin talaga ang pelikula dahil sa pagiging closet gay roon ng character ni Paulo at iritada naman ang mga bading sa pagiging anti-gay ng character ni Derek.

Pero in fairness, maraming nagandahan sa Kasal, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?