80

Feb 24, 2021 @ 18:53
By

Derek ‘hokage moves’ kay Ellen

Lantaran na ang lambingan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa gitna ng mga tsismis na may relasyon na ang dalawa.

Sa social media nitong Miyerkoles ay kapwa nag-post sina Derek at Ellen ng mga sweet photo nilang magkasama.

Sa kanyang Instagram account ay nag-share si Ellen ng collage nila ni Derek habang nakahawak sa buhok ng aktor.


Isang selfie naman katabi si Ellen ang pinost ni Derek sa bonding nila sa golf course.


Kamakailan ay pinag-usapan din ang “road trip” nina Ellen at Derek kasama ang anak ng una na si Elias.

Ilang netizen naman ang tumuligsa kay Derek dahil ang bilis daw naka-move on kay Andrea Torres at ngayon ay “hokage moves” kay Ellen.

Genelexx: “Ang bilis maka move on Derek? Iba talaga pag sanay na sanay mang iwan nang babae.”

_jazzyrose12: “Bilis mag move on.”

alexa27177: “Hokage moves.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?