213

By

Derek at GF napag-uusapan na ang kasal

Natuto na umano si Joanne Villablanca na huwag magselos sa mga babaeng nagpi-flirt sa kanyang boyfie na si Derek Ramsay.

Sa panayam ni Inquirer entertainment writer Dolly Anne Carvajal kay Joanne, sinabi nitong noong nagdi-date pa lang sila ni Derek ay super selosa siya pero habang tumatagal ang kanilang relasyon ay natutunan niyang magtiwala sa aktor, na kaya nitong i-handle ang ganoong sitwasyon.

Maayos din umano ang relasyon niya sa anak ni Derek habang ang aktor ay ganoon din sa anak niya.

Sinabi rin nitong napag-uusapan na nila ang kasal ni Derek pero wala pang petsa kung kailan ito.

Dream wedding umano niya ay simple lang na sa beach mangyayari o kaya’y sa garden na mga malalapit na kaanak at kaibigan lang nila ang imbitado.

Sa kasalukuyan umano ay limang taon na ang relasyon nila ni Derek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?