14

Aug 8, 2021 @ 19:38
By

Derek at Ellen, sa YouTube naman bibida

Ile-level up nila Derek Ramsay at Ellen Adarna ang pagbabahagi ng kanilang mga ‘kulitan moments’ sa ilalabas nilang YouTube channel sa Agosto 11.

Kung noong una’y sa Instagram lamang inilalabas ng dalawa ang kanilang mga kulitan maging mga samu’t-saring aktibidad, handa ang dalawa na sakupin ang mundo ng YouTube.

“Welcome to the crazy life of the Ramsays! August 11 Ellen and I will be launching our YouTube channel” pahayag ni Derek sa kanyang Instagram post.

“So this is it guys. Welcome to our boring life… love and lockdowns because sometimes, wala na talagang ibang magawa,” saad naman sa post ni Ellen.

Gayunpaman, si Ellen ay may sariling YouTube channel na halos kakagawa lamang at may mahigit 23,000 subscribers, ngunit dalawa pa lang ang videos niya rito.

Engaged na ang dalawa simula pa noong Marso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?