108

Nov 3, 2017 @ 12:08

Deputy spokesperson ni Roque “papable”

Guwapo at bata.

Ito ang kuwalipikasyon ng magiging deputy spokesman ni acting Presidential Spokesman Harry Roque.

Ayon sa kalihim, kukuha siya ng isang millenial at mas guwapo sa kanya dahil gusto niyang mailapit ang mga kabataan kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kapag aniya nakita ng publiko at mga kababaihan ang kanyang magiging deputy spokesman ay tiyak na mai-inlove ang mga ito .

Mayroon ng napili si Roque na aniya ay dati nitong estudyante sa University of the Philippines College of Law pero hindi muna papangalanan dahil kukuha pa lamang ng bar exams .

“I want a millennial. Number two, I want someone better looking like — than me so that the women will fall in love with him. And I want someone who speaks better than me.

A former student of mine. He can’t report yet because he’s taking the Bar. He doesn’t know yet but I’m sure I will be able to persuade him. Magugulo ‘yung kanyang Bar review so guguluhin ko siya,” ang pahayag ni Roque. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?