17

Oct 7, 2021 @ 16:08
By

Deputy Speaker Martinez humirit ng isa pang termino

Naghain ng kanyang certificate of candidacy si Deputy Speaker Eric Martinez at tatakbong muli bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Valenzuela City.

Inihain ni Martinez ang kanyang COC sa Commission on Elections-National Capital Region (Comelec-NCR) office sa Maynila noong Miyerkoles. Siya ay kasalukuyang nasa ikalawang termino.

Nangako si Martinez na ipagpapatuloy ang kanyang mga programa at proyekto upang mapabuti ang kalagayan ng mga residente sa kanyang nasasakupan.

Susuportahan din umano ni Martinez ang mga panukalang batas na makatutulong upang agad na makabangon ang bansa mula sa epekto ng pandemya. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?