1,881

By

Depresyon sanhi ng pagtalon sa building ni Velasco

Nagdalamhati ang OPM community sa naging balita ng pagpapakamatay ni Brian Velasco, drummer ng bandang Razorback.

Nitong Miyerkoles ng umaga ay napabalita ang pagtalon sa building ni Velasco, na kinuhanan ang pagpapakamatay habang naka-Facebook live.

Ayon sa isang malapit na kaibigan at kasamahan sa industriya ng Razorback drummer, depression umano ang naging dahilan ng pagpapakamatay nito.

Ilang beses na rin umanong nagtangka na mag-suicide si Velasco ngunit napipigilan at naaagapan agad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?