37

Jul 21, 2018 @ 15:10
By

Deportation order vs Sister Fox pinarerebyu ng CHR

Hindi umano maituturing na krimen ang pagsama ng Australyanang misyonaryo na si Sister Patricia Fox sa political activities kaya iginiit ng Commission on Human Rights (CHR) sa Bureau of Immigration (BI) na rebyuhin nito ang desisyon na pag-deport sa madre.

Ayon sa tagapagsalita ng CHR na si Jacqueline Ann De Guia, karapatan umano ni Sister Fox ang pagsama sa peaceful assemblies, at hindi alintana rito ang nasyonalidad o lahi nito.

Ang deportation order umano sa madre ay magpapahina sa loob ng ibang missionary workers na magsagawa ng humanitarian activities sa bansa.

Obligasyon umano ng gobyerno na protektahan ang karapatan ng mamamayan nito kabilang na ang mga banyaga.

Matatandaang ipinag-utos na ng BI ang deportation order laban kay Sister Fox noong Huwebes dahil nilabag umano nito ang limitasyon sa kondisyon ng kanyang missionary visa. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?