148
patricia-fox
Jul 19, 2018 @ 20:18
By

Deportasyon ni Sister Fox ipinag-utos na ng BI

Iginawad na ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation ni Australian missionary Sister Patricia Fox.

Natanggap na ng BI ang deportation case ng madre matapos pagbigyan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang petisyon ni Fox na rebyuhin ang kanyang kaso, na nagpapawalang-bisa sa unang forfeiture order ng BI sa missionary visa nito.

Ngayon ay ipinag-utos na ni Guevarra sa BI na iayos ang kaso at tratuhin ito bilang deportation proceeding.

Si Sister Fox ay inakusahan ng paglabag sa kondisyon ng pananatili nito sa bansa kaya’t binigyan lang ito ng visitor’s visa na may 30 araw lamang na validity.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?