35
views

By

Deportasyon ng opisyal ng EU Socialist Party, paiimbestigahan sa Kamara

Sharing is caring!

Nais ni Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin na panghimasukan ng Kamara ang pag-deport ng gobyerno sa secretary general ng Party of European Socialist na si Giacomo Filibeck.

Ayon kay Villarin, maghahain siya ng resolusyon para paimbestigahan sa Kamara ang mistulang policy of deportation na pinaiiral ng administrasyong Duterte sa mga dayuhang kritiko.

Si Filibeck ay guest of honor dapat ng Akbayan sa kanilang Party Congress sa Cebu pero hinarang ito sa Mactan International Airport.

Nai-deport din agad ang dayuhan dahil nasa watchlist umano ito ng gobyerno.

Sinabi ni Villarin na sa ginawa ng pamahalaan kay Filibeck ay ipinakita lamang ng administrasyon ang sobrang pagka-paranoid.

Gusto aniya ng Duterte administration na gawing bulag ang buong mundo sa mga nangyayari sa Pilipinas kaya ayaw nang magpapasok kahit ng mga dayuhang pumupuna dito.

“This unfortunate incident only shows how paranoid this government is in keeping the rest of the world blind from the damage President Duterte has done to our country. Poor Filipinos get killed. Local dissenters get harassed. Now, foreign critics get deported,” ani Villarin.

“Indeed, President Duterte leaves no room for opposition and no flights delayed for international human rights advocates,” dagdag ng kongresista.

Dati nang nakapasok sa bansa si Filibeck kasama ng international mission na bumisita sa mga komunidad na apektado ng Oplan Tokhang at nanawagan ng imbestigasyon at pananagutan sa mga kaso ng extrajudicial killings sa gitna ng war on drugs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?