35

By

Deportasyon ng Italian human rights activist, naaayon sa batas – Koko

Sharing is caring!

Suportado ni Senate President Koko Pimentel ang deportasyon ng Italyanong human rights activist na si Giacomo Filibeck.

Idiniin ni Pimentel na ito ay pagpapatupad ng Bureau of Immigration (BI) ng batas na nagbabawal sa mga dayuhang gaya ni Filibeck na makialam sa mga isyung pampulitikal sa bansa.

Agad na na-deport si Filibeck nu’ng dumating sa paliparan sa Mactan, Cebu noong linggo dahil blacklisted na ito ng BI.

Kabilang si Filibeck sa grupo ng mga European activist na nagtungo rito sa bansa noong Oktubre na nag-imbestiga sa drug war at kumondena sa nakita nilang extrajudicial killings sa drug suspects.

Si Filibeck ay deputy secretary-general ng Party of European Socialists.

Paliwanag ni Pimentel, general rule sa maraming bansa gaya ng Pilipinas na bawal makialam ang mga dayuhan sa internal politics o political matters kaya kahit siya ay maingat din kapag nagsasalita sa abroad.

Mariing sinabi na dapat sumunod ang mga dayuhan sa ating mga batas at hindi sila maaaring umasta na sila ay nakahihigit at mas nakatataas sa atin.

“These foreigners who come here should not feel that they are “superior” to us and hence above our laws! All should follow the law!” diin ni Pimentel.

Dapat din lang aniyang ipakita ng gobyerno sa taumbayan na ipinatutupad ang batas sa mga dayuhan at hindi above the law ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?