48
dfa
Dec 26, 2017 @ 11:58
By

Deployment ban nananatili sa Libya – DFA

Patuloy na ipinatutupad ang Alert Level 2 kayat imposible pa rin ang pagpapadala ng mga Filipino sa Libya.

Base sa inilabas na pahayag ng Department of Foreign Affairs, ang lahat ng mga nais magtungo at magtrabaho sa Libya ay kinakailangan dumaan sa proseso ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Paalala pa ng kagawaran, dapat suriin ang lahat ng ‘private job offers’ sa Libya dahil ito ay maaring ilegal lalo na kung ang alok ay tourist visa muna.

Ayon pa sa DFA, nananatili silang nakatutok sa sitwasyon sa Libya para sa kapakanan ng mfa OFWs.

Nabatid na bukod sa kanilang kaligtasan, isa pa sa iniintindi ng OFWs ay ang pagpapadala ng pera sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas dahil sa kakulangan ng foreign currencies.

“Foreign currency is scarce in Libya, and in the competition for this scarce resource, foreign workers lose out to uncontrollable economic and political forces,” ang mababasa sa pahayag ng DFA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?