48

Jan 17, 2020 @ 9:43

Depensa de pataranta kami sa Game 5 – Black

Sa isang salita sinuma ni Norman Black ang 94-72 loss ng Meralco sa Ginebra nitong Miyerkoles.

“Embarrassed.”

Sa unang 65 seconds ng postgame news conference, apat na beses nabanggit ng Bolts coach ang salita.

Matagal nang nakaalis si coach Tim Cone ng Gin Kings sa press room sa Smart Araneta Coliseum, inabot pa ng halos kalahating oras bago pumasok si Black.

“For me, it’s an embarrassment to the PBA that we came out and didn’t give them a better fight,” bungad ni Black. “We got beat very, very badly for the second game in a row in the hustle stats. We just have to do a much better job to represent the company and represent the league.”

Lubog na ang Bolts sa series 3-1, susubukand pahabain ang best-of-seven sa Game 5 ngayong Biyernes alas-siete nang gabi sa MOA Arena.

“With the effort we displayed tonigh, we didn’t deserve to win this game,” dagdag niya.

Nawawala ang intensidad ng Bolts na pinakita sa first two games nang itabla ang serye 1-1.

“If you ever analyze basketball, you can’t focus on little things if you can’t solve big things,” paliwanag ni Black. “In other words, we can’t get back on defense. It’s hard to focus on pick-and-roll defense and post defense when you just can’t get back on defense.”

Sa transition, mula sa halfcourt, kailangan daw nilang dumepensa.

“If we don’t score, I’m not really too concerned about that because if you play good defense, then you’ll probably end up scoring. Good defense normally leads to scoring,” giit ng coach.

Bago ang laro ay tinanggap muna ni Allen Durham ang kanyang pangatlong Best Import of the Conference award bago naglista ng 21 points, dambuhalang 27 rebounds at 7 assists. Pero 9 of 23 lang siya mula sa field, kanya ang 6 sa 19 turnovers ng Bolts.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?