10
views
caloocan
By

Depensa ang alas ni Ticson, Navotas

Sharing is caring!

Sa ikalawang sunod na pagkakataon, naitakas ng Navotas ang panalo. Kasabay nito, isang armas pa ang inilabas ng Clutch – ang kanilang depensa.

Napigil ng Navotas Clutch sa 28-percent shooting sa field ang Caloocan Supremos at nakipagsabayan pa sa low-scoring game tungo sa 59-55 triumph sa umiinit pang MPBL Datu Cup sa People’s Center sa Bataan.

Sinandalan ng Navotas si dating TNT player Levi Hernandez maging si former National University standout Kyle Neypes na nagtulong ng 27 markers, pero mas matibay ang kanilang depensa para iguhit ang second straight ‘W’ ng Clutch.

Sa kabila ng dalawang dikit na panalo, hindi pa lubusang kuntento si Navotas coach Ritchie Ticzon.

“We turned the ball so many times and that’s something we need to address,” wika ni Ticzon patungkol sa kanilang 28 turnovers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?