7
Guro nangangapa pa sa online class
Oct 5, 2020 @ 15:16

DepEd walang internet allowance para sa mga guro

SDC

Inamin ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla na wala silang nakatakdang tulong-pinansiyal para sa gastusin sa internet o mobile data connection ng mga guro ngayong balik-eskuwela.

Hindi kasi aniya ito nakasaad sa 2020 budget, na hindi naman napagplanuhan ang nangyaring pandemyang COVID-19 sa ngayon.

“We have an existing budget and we will work from that, subject to budget and accounting rules and regulation,” wika ni Sevilla, ang DepEd Undersecretary for Finance, sa isang briefing.

“We do not have the allowance as it is not authorized in the 2020 budget so we have to wait for 2021,” aniya pa.

Gayunman, may mga mekanismo naman aniya ang DepEd para matiyak na matutulungan ng mga school principal at superintendent ang mga guro sa mga gastusin ng mga ito sa distance learning.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?