16

Sep 16, 2020 @ 15:53
By

DepEd TV eere sa September 21-25

Magkakasa ng test run ang Department of Education (DepEd) para sa mga TV channel nito na magpapalabas ng mga lesson sa mga estudyante.

Simula ito sa September 21 hanggang September 25 na bahagi ng broadcast media learning modality ng DepEd.

Sa budget hearing ng Senate Committee on Basic Education, Arts, and Culture, Sept. 16, sinabi ni DepEd Director Abram Abanil na magpapalabas sila ng 24 episodes para sa dry run.

Sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5, target ng DepEd na magpalabas ng 130 episodes kada linggo tungkol sa mga major subject na karamihan ay mga learning competency.

30 minuto ang haba ng bawat episode at may limang minutong break.

Ang mga sumusunod ang nag-alok ng kanilang mga channel para sa DepEd TV: IBC 13, PTV 4, Solar TV, Planet Cable, Philippine Cable and Telecommunications Association,Cignal TV, GSAT, Gracia/LMP – 1 at Mabuhay Pilipinas TV.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?