10

By

DepEd tuturuan ang kabataan ng proteksyon kontra cybercrime

Sharing is caring!

Inilunsad ng Department of Education ang isang programa na layon bigyan proteksyon ang mga estudyante, guro maging ang mga magulang sa mga cybercrime.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones ang #BeCyberSafe program ay kaugnay sa plano nilang bumili ng P8.4 milyon halaga ng tablet kapalit ng mga libro.

Aniya sa paggamit ng mga computer tablet ay magiging bukas naman ang mga mag aaral sa mga panganib ng makabagong teknolohiya.

“In this day and age, it is no longer enough to tell our children not to talk to strangers.” What parents as well as teachers need to teach children is how to “protect themselves,” sabi ng kalihim.

Nakapaloob sa programa ang Project for Keeps C, Dalir-Eskwela at Chatbot.

Paliwanag ng DepEd, ang ‘Project for Keep’ ang magbibigay edukasyon sa mga kabataan na aktibo sa social media, lalo na sa Facebook, sa mga maaring maidulot ng pakikipagkaibigan sa mga kapwa netizen na hindi nila kilala.

Ang ‘Dalir-Eskwela’, naman ang magbibigay impormasyon kontra cyber bullying, online chatting, online gaming at maging sa online pornography.

At ang ‘Chatbot’ ay isang messenger-based helpline para sa mga isyu na kahaharapin ng mga mag-aaral sa ‘cyber space.’

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?