342

Oct 17, 2017 @ 13:45

DepEd Sec. Briones sa teachers: Mag-aral kayo!

Hinamon ni Department of Education (DepEd) Sec. Leonor Magtolis Briones ang mahigit 687,225 mga guro sa bansa na mag-aral din upang may maituturong bagong teknik na matututunan ng mga mag-aaral sa araw-araw na pagtuturo sa klase.

“Kung gusto natin matuto ang ating mga learners, kailangan, mag-learn din tayo. Walang katapusan ang learning para sa learners, so wala ring katapusan sa mga teachers. Learn something new every day and become catalysts of change as they inculcate the importance of critical and creative thinking among learners,” paliwanag ng kalihim.

Bilang guro, ayon kay Sec. Briones, kailangan ding mag-aral ang mga guro ng bagong estratehiya na magugustuhan at magiging inspirasyon ng mga mag-aaral.

Isa sa magandang halimbawa na ipinunto ng kalihim ang klase ng pag-aaral na ginagawa ng mga batikang guro na tulad nina Marie Curie, Nelson Mandela, Albert Einstein, Mahatma Gandhi, Gautama Buddha at Jesus Christ na hanggang ngayon ay nagbibigay ng aral at nagagamit sa pang-araw-araw na kabuhayan at tiyak na naging inspirasyon ng kabataan.

Ito ang ipinaalala ng kalihim sa dumalong 6,000 educators bilang bahagi ng World Teachers Day na tampok sa temang Gurong Pilipino: Kaakbay sa Progreso, na ginawa sa Legazpi City, Albay. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?