17

By

DepEd pinagtatayo ng hostels para sa transient teachers

Sharing is caring!

Pinakikilos ni 1-Ang Edukasyon party-list Rep. Salvador Belaro Jr. ang Department of Education (DepEd) para protektahan at tulungan ang transient public school teachers.

Kasunod ito ng malagim na pagkamatay ng elementary school teacher na si Mylene Durante, na nakikituloy lamang sa principal’s office ng paaralan kung saan ito nagtuturo.

Sabi ni Belaro, pwede sanang iwasan ang ganitong insidente kung meron lamang solusyon ang DepEd sa kalagayan ng mga guro na nagsisilbi sa mga paaralang malayo sa kanilang tirahan

“Systemic negligence put the likes of Miss Durante in harm’s way. Circumstances left her with no choice but to ask the school to let her use a room as her living quarters far away from her home,” ani Belaro.

Iminungkahi ng kongresista na bigyan ng relocation allowance ang mga transient teacher at magtayo ang DepEd ng hostels para sa mga ito.

Dagdag pa ng mambabatas, kadalasang nagiging target ng mga criminal ang mga pampublikong paaralan dahil walang guwardiya ang mga ito o kung meron man ay iisa lang.

Una nang inihain ni Belaro ang House Bill 7154 o On-Site Housing for Teachers Act na naglalayong bigyan ng pabahay ang mga guro na malapit sa lugar ng kanilang trabaho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?