41
deped
By

DepEd: P3K bonus para sa mga guro, kasado na

Sharing is caring!

Nakatakdang tumanggap ng P3,000 anniversary bonus ang lahat ng mga guro at non-teaching personnel mula sa Department of Education (DepEd).

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, naglaan sila ng kabuuang P2.8 billion para sa bonus ng kanilang mga tauhan kabilang ang mga public school teachers at staff bilang bahagi ng anibersaryo ng ahensya.

Hinahanda na umano ang budget para maipamahagi na bago mag-DepEd anniversary, ayon kay Usec. for Finance-Budget and Performance Monitoring Annalyn Sevilla.

Paliwanag pa ni Usec. Sevilla kaugnay sa naaantalang dagdag suweldo, nasa processing pa umano at pinag-aaralan pa ng kagawaran ang kanilang mga hinaing pero sa ngayon ay anniversary bonus muna para dagdag na rin sa kanilang panggastos ngayong nalalapit na Holiday season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?