134

Feb 21, 2020 @ 17:07
By

DepEd nanawagan ng maayos na ugnayan sa CHED at TESDA

Nais ng Department of Education (DepEd) na mas palawigin pa ang ugnayan ng ahensya para sa pagpapalakas ng Philippines’ trifocal education system sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones, kailangan pa ng mas madalas na pagdadayalogo sa pagitan ng mga opisyal ng CHED at TESDA upang malamang ang nararapat na isyu at mga kailangang gawing programa na may kaugnayan sa estado ng edukasyon sa bansa.

“We should take the PISA agenda in greater detail and meet more often to have serious discussions on the challenges of Philippine education,” ayon kay Sec. Briones.

Nabatid na nakatalaga sa DepEd ang trifocal education system na humahawak sa mga mag-aaral ng elementarya, secondary at non-formal education habang ang responsable ang CHED sa higher education at sa TESDA Naman ang mamamahala sa post-secondary, middle-level manpower training and development.

Nilinaw ni Briones na isa sa maituturing na educational gaps ay ang curriculum ng mga guro. Kailangan kasi malamang kung paano ang Sistema ng pagtuturo sa mga unibersidad at kolehiyo para education major.

Samantala, isa rin Ito sa naobserbahan ni Sen. Gatchalian, na Kung saan nawalan umano ng paraan ang CHED na makapaglabas ng guro na kailangan ng DepEd .

Sinabi pa ni Briones na gumagawa na ng paraan ang

DepEd para magkaroon pa ng mas maraming skilled teachers sa ilalim ng National Educators Academy of the Philippines (NEAP).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?