43

May 29, 2020 @ 12:51
By

DepEd nakiusap sa mga magulang: Mga paaralan ‘wag dumugin sa June 1

Hindi kailangan pumunta ang mga magulang sa eksuwelahan sa pagsisimula ng enrollment sa Lunes, June 1.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, kailangan lang mahintay ng mga magulang at bata ng tawag mula sa mga eskuwelahan para malaman ang proseso sa pag-eenroll.

“Do not go to school on June 1…Wait for the call. On Monday they do not need to go to schools. They will wait in their homes,” paliwanag ni Malaluan sa Teleradyo.

Nais ng DepEd na gawing ‘remote’ ang enrollment mula June 1 hanggang 30 para maiwasan ang face-to-face sa mga eskuwelahan.

Gayundin, magsasagawa ng survey ang DepEd para malaman kung ilang estudyante ang handa sa online learning, na isa sa mode of learning dahil sa COVID-19 pandemic.

“Right now we have over 7 million subscribers, wherein lessons homework, quizzes and tips to learners and teachers are all in DepEd Commons and are accessible even to the parents,” ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?