77
deped
Mar 22, 2019 @ 12:05
By

DepEd nakiramay sa namatay na Grade 11 pupil sa Negros

Nakikidalamhati ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa pamilya ng nasawing Grade 11 na estudyante matapos maaksidente at nakaranas ng komplikasyon ang nasawi habang nasa intensive care unit ng Silliman University Medical Center sa Dumaguete City.

Nakilala ang nasawi na si Justine Generoso, Grade 11 learner ng Basay National High School habang nasa ICU matapos ang matinding sinapit na komplikasyon makaraang maaksidente kasama ang 11 pang biktima noong Marso 1, 2019.

Nabatid na papauwi na sa Zamboanguita, Negros Oriental ang mga biktima matapos dumalo sa regional Mathematics contest sa Cebu City sakay ng public utility van nang sumalpok ito sa paparating na truck.

Limang teammates nito ang agad na nasawi sa aksidente habang si Generoso naman ay nadala pa sa pagamutan at sumailalim sa matinding gamutan sa loob ng ICU.

Base sa medical report, nagtamo si Generoso ng blunt chest trauma, multiple rib fractures, acute tubular necrosis, and subcutaneous emphysema, kaya dinala sa intensive care since subalit hindi rin nakayanan ang mga komplikasyon matapos ang 19 na araw sa hospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?